Cauayan City, Isabela- Nakakapagtala na ng mas mataas na bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 ang Lambak ng Cagayan kumpara sa dami ng mga tinatamaan ng virus.
Sa pinakuhaling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2, tatlumpu’t lima (35) ang naitalang bagong gumaling sa COVID-19 kung saan siyam (9) ay mula sa probinsya ng Cagayan, dalawampu’t lima (25) sa Isabela at isa (1) sa Santiago City.
Dahil dito, umakyat na sa 2,111 ang kabuuang bilang ng gumaling sa COVID-19 sa rehiyon.
Nakapagtala naman ang rehiyon ng 28 na new confirmed cases at mula sa bagong bilang ng nagpositibo, siyam (9) ang naitala sa Cagayan, labing anim (16) sa Isabela, isa (1) sa Santiago City at dalawa (2) sa Nueva Vizcaya.
Sa kasalukuyan, nasa 114 na ang total active cases ng Cagayan, 310 sa Isabela, 9 sa Santiago City, 18 sa Nueva Vizcaya habang wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Batanes at Quirino.
Umaabot naman sa 2,600 ang total cases sa rehiyon dos ngunit 451 lamang ang aktibong at 38 ang naitalang nasawi.