Bilang ng Gumaling sa COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan, Nadagdagan

13

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, ‘fully recovered’ na sa virus sina CV2685 na residente ng Brgy. Cabaruan at si CV2689 ng Brgy. San Fermin.


Ang dalawa ay hindi na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 at natapos na ang kanilang mandatory quarantine.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 64 na aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod at nagpapatuloy naman ang ginagawang contact tracing ng City Health Office para sa mga nakasalamuha ng mga dumagdag na nagpositibo.

Facebook Comments