Bilang ng gumaling sa Quezon City, umabot na sa 82% o 16,326

29

Umabot sa 82% o katumbas ng 16,326 ang gumaling mula sa COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit, 19,788 kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.


Mula sa naturang bilang, 2,909 ang kumpirmadong active cases.

Sa isinasagawang contact tracing ng City Epidemiological Surveillance Unit (CESU), 19,291 ang natukoy na suspected cases ng COVID-19.

Habang umabot na sa 553 ang bilang ng nasawi.

Facebook Comments