Bilang ng health workers na nakarekober na sa COVID-19, umakyat pa sa 508

Umakyat pa sa 508 ang bilang ng health care workers sa bansa na nakarekober mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Kaugnay nito, sa tala ng Department of Health (DOH) ay pumalo naman sa 1,968 ang kabuuang bilang ng medical frontliners na nagpositibo sa virus.

Habang nasa 1,426 ang kasalukuyang active cases kung saan 991 dito ang mild lamang ang sintomas, 428 ang asymptomatic at pito lamang ang nasa malalang kondisyon.


Samantala, umabot na sa 34 ang nasawi sa hanay ng mga medical frontliner.

Facebook Comments