Sen. Koko Pimentel, nagbanta na sasampahan ng reklamong cyberlibel ang mga gumawa ng mga malisyosong istorya laban sa kanya sa social media

Nagbanta si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na magsasampa siya ng reklamong cyberlibel laban sa mga indibidwal na gumawa ng mga malisyosong istorya laban sa kanya sa social media.

Ayon kay Pimentel, kasalukuyan nang ipinapa-trace ng kanyang opisina ang mga nagpapakalat ng mga mali at negatibong balita laban sa kanya.

Matatandaang noong Marso ay kinumpirma ng senador na nagpositibo siya sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at umani ito ng batikos sa social media matapos magtungo sa ospital.


Una nang iginiit ni Pimentel na hindi pa niya nalalaman ang resulta ng kanyang COVID-19 test nang samahan niya ang kanyang asawa na manganganak sana noon sa Makati Medical Center.

Sa ngayon, nakahanda naman umano siyang harapin kung may nilabag siyang batas ngunit hindi aniya dapat gamitin ito para sa pamumulitika laban sa kanya.

Facebook Comments