Bilang ng health workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa higit 10,000 – DOH

Umabot na sa 10,178 healthcare workers ang nagkasakit ng COVID-19 matapos madagdagan ng 356 na bagong kaso nitong nakaraang linggo.

Ayon sa Department of Health (DOH), aabot naman sa 9,562 health workers ang gumaling habang umakyat sa 63 ang namatay.

Nasa 553 medical workers ang active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine.


Ang limang medical professions na may mataas na bilang ng COVID-19 cases ay nurses na may 3,543 infections, doctors (1,801), nursing assistants (774), medical technologists (475) at midwives (262).

Higit 500 non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards at administrative staff ang kasama din sa talaan.

Facebook Comments