Bilang ng health workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa higit 2,300

Umakyat na sa 2,369 ang bilang ng health workers ang nagkaroon ng coronavirus disease.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 1,118 health workers na ang gumaling habang nasa 1,220 ang active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine.

Mula sa nasabing mga aktibong kaso, 900 ang mild, 318 ang asymptomatic, at dalawa ang nasa severe condition.


Ang limang medical professions na may mataas na kaso ng COVID-19 ay mga nurses (866 cases), doctors (676 cases), nursing assistants (143), medical technologist (88), at radiologic technologist (43).

Higit 290 na iba pang non-medical staff ay kasama rin sa mga tinamaan ng virus.

Ang bilang ng health workers na dinapuan COVID-19 ay 17% ng kabuoang kaso ng sakit sa buong bansa.

Sa huling datos ng DOH, nasa 14,035 ang kaso ng COVID sa bansa, 3,249 ang gumaling habang nasa 868 na ang namatay.

Facebook Comments