Unti-unti nang napupunuan ng Department of Health (DOH) ang kakulangan ng healthcare workers sa mga pagamutan sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hanggang noong April 30 ay umabot na sa 8,848 ang nadagdag na healthcare workers na resulta ng emergency hiring ng kagawaran.
Aniya, umabot na rin sa 33,493 ang dedicated COVID-19 beds sa bansa.
Sabi pa ni Vergeire, isinusulong din aniya ng kagawaran ang paglilipat sa Hunyo ng licensure exam para makapag-hire ang mga ospital ng dagdag na nurses sa bansa.
Facebook Comments