Umabot na sa 906 healthcare workers ang gumaling sa Coronavirus disease.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 61 healthcare workers ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling.
Umabot naman sa 2,311 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19.
Mula sa nasabing bilang ng kaso, 1,001 ang mild cases, 364 ang asymptomatic, apat ang severe, habang isa ang nasa critical condition.
Ang mga propesyon na may mataas na kaso ng sakit ay nurses (841 cases), doctors (671 cases), nursing assistants (144 cases), medical technologist (84 cases), at radiologic technologist (42 cases), at mayroong 282 non-medical staffs.
Katumbas pa rin ito ng 19% ng kabuoang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Sa huling datos ng DOH, nasa 12,513 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 2,635 ang gumaling habang 824 ang namatay.