Bilang ng healthcare workers na nagkasakit ng COVID-19, umabot na sa higit 10,000 ayon sa DOH

278

Umakyat na sa 10,532 ang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19.

Ito ang naitala ng Department of Health (DOH) matapos madagdagan ng 354 na bagong kaso.

Nasa 9,899 health workers na ang gumaling habang nasa 63 ang namatay.

Ang limang medical professional na may mataas na COVID-19 cases ay nurses na may 3,682 infections, doctors (1,858), nursing assistants (796), medical technologists (495), at midwives (277 cases).

Nasa higit 500 iba pang medical personnel ang kasama sa talaan.

Facebook Comments