Umabot na sa 2,675 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 1,457 ang gumaling na sa sakit habang nananatili sa 32 ang namatay.
Nasa 1,186 medical workers ang active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine, kung saan 988 ang mild cases, 197 ang asymptomatic at isa ang nasa severe condition.
Ang limang medical professions na may mataas na bilang ng COVID-19 ay mga nurse na nasa 981 cases, doctors na nasa 728 cases, nursing assistants na nasa 175, medical technologist na nasa 109, at radiology technologist na may 55 kaso.
Kasama rin sa talaan ang 332 na iba pang medical staff.
Ang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 ay katumbas ng 14% ng kabuuang kaso sa buong bansa.
Sa ngayon ay nasa 19,748 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 4,153 ang gumaling habang 974 ang namatay.