Pumalo na sa higit isang milyon ang bilang ng mga indibidwal sa lungsod ng Maynila na nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.
Sa inilabas na datos ng Manila Local Government Unit (LGU), nasa 1,042,065 na mga residente sa lungsod ang nakatanggap na ng second dose.
Dahil dito, nasa 77.11% na ng target na populasyon mula sa edad 18 pataas ang nakalumpleto na ng pagbabakuna.
Nasa 1,301,707 naman ang kabuuang bilang ng mga naturukan ng first dose kung saan 96.32% na ng target na bilang ng dapat mabakunahan ang naabot sa lungsod ng Maynila.
Sa kabuuan, nasa 2,304,965 ang bilang ng mga bakuna kontra COVID-19 na nagamit ng lokal na pamahalaan ng Maynila habang patuloy sila sa kanilang mga hakbang at mga programa para mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.