Bilang ng indibidwal na nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 sa Maynila, higit isang milyon naMan

25

Pumalo na sa higit isang milyon ang bilang ng mga indibidwal sa lungsod ng Maynila na nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.

Sa inilabas na datos ng Manila Local Government Unit (LGU), nasa 1,042,065 na mga residente sa lungsod ang nakatanggap na ng second dose.


Dahil dito, nasa 77.11% na ng target na populasyon mula sa edad 18 pataas ang nakalumpleto na ng pagbabakuna.

Nasa 1,301,707 naman ang kabuuang bilang ng mga naturukan ng first dose kung saan 96.32% na ng target na bilang ng dapat mabakunahan ang naabot sa lungsod ng Maynila.

Sa kabuuan, nasa 2,304,965 ang bilang ng mga bakuna kontra COVID-19 na nagamit ng lokal na pamahalaan ng Maynila habang patuloy sila sa kanilang mga hakbang at mga programa para mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Facebook Comments