𝘾𝘼𝙇𝘼𝙎𝙄𝘼𝙊, 𝙋𝘼𝙉𝙂𝘼𝙎𝙄𝙉𝘼𝙉 – Umabot na sa 24 ang bilang ng fire incident cases o ang mga naganap na sunog sa bayan ng Calasiao, base sa pinakahuling tala ng Bureau of Fire Protection Calasiao.
Sa datos ng BFP Calasiao nasa dalawampu’t-tatlo (23) rito ay pawang mga grassfire na mula sa limang barangay ng San Miguel, Nalsian, Mancup, Banaoang, at Buenlag kung saan nakapagtala ang mga ito ng pinakamaraming kaso ng nasabing uri ng sunog.
Nito lamang mga nakaraang araw ay naganap ang isang sunog sa isang taniman ng mais sa bayan pa rin ng Calasiao at agad itong nabigyan ng agarang aksyon.
Dahil sa sunog na ito ay patuloy na tinututukan ng otoridad ang posibleng sanhi ng nasabing insidente.
Samantala, ngayong mainit na panahon ay hindi maiwasan ang mga sunog na posibleng maganap kaya’t maging maalam at mapagmatyag sa bagay na maaaring magdulot ng sunog.
Patuloy naman ang paalala ng otoridad na sakaling may makitang ganitong mga insidente, o kahit anong klase ng sunog ay mangyaring ipagbigay-alam agad sa pinakamalapit na fire station. #𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments