Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati, nasa mahigit 7,400 na

35

Sumampa na sa 7,475 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Makati matapos itong madagdagang ng 116 sa nakalipas na 24 oras.

6,279 sa nasabing bilang ay gumaling na sa sakit at 271 naman ang nasawi.

Dahil dito, mayroon pa ring 925 active cases sa lungsod na patuloy na ginagamot habang naka-confine sa mga quarantine facility.

Pakiusap naman ni Mayor Abby Binay sa mga residente ng Makati na huwag muna lumabas ng bahay kung hindi naman importante ang gagawin.

Facebook Comments