Ilang bahagi ng Luzon, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan

56

Magdudulot ng mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan ang northeasterly surface windflow sa ilang bahagi ng Luzon.

Batay sa abiso ng PAGASA, makararanas ng pag-ulan ang Bataan, Laguna at Cavite sa susunod na mga oras.

Kaparehong panahon din ang mararanasan ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Quezon, Nueva Ecija at Pampanga.

Pinag-iingat naman ang mga residente sa mga nabanggit na lugar dahil sa posibilidad na pagbaha at landslide.

Pinayuhan naman ng ahensya ang Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) na i-monitor ang lagay ng panahon.

Facebook Comments