Sumampa na sa 6,502 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa lungsod ng Makati, matapos itong madagdagan ng 64 sa nakalipas ng 24 oras.
Dahil dito, pang lima pa rin ang Makati City sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa lahat ng Local Government Units (LGUs) ng National Capital Region o NCR.
Umabot na sa 5,430 ang mga gumaling na sa sakit habang 237 naman na ang nasawi sa lungsod na dulot ng virus.
Dahil dito, bumaba sa 835 ang bilang ng active cases sa lungsod ngayong araw, kumpara kahapon na nasa 895.
Kaya naman pakiusap ni Makati City Mayor Abby Binay sa mga residenteng kaniyang nasasakupan na manatili sa loob ng bahay at sumunod sa mga health protocol na ipinatutupad upang maging ligtas laban sa virus.