Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, nasa higit 5,900 na

Tumaas muli ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVD-19 sa lungsod ng Mandaluyong ngayong umaga.

Batay sa tala ng Health Department ng lungsod, umabot na ng 5,951 na mga indibidwal ang tinamaan ng naturang sakit matapos itong madagdagan ng 5 sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa nasabing bbilang, 5,656 nito ay bilang naman ng mga gumaling na sa naturang sakit matapos naman makapagtala 2 new recoveries.


Nananatili sa 175 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lungsod ng dahil sa virus.

Habang ang 120 ay bilang naman ng mga indibidwal na kabilang sa active cases na patuloy na nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod.

Facebook Comments