Lungsod ng Makati, may bagong 29 na recoveries ng COVID-19

Muling nakapagtala ng 29 na bagong recoveries sa COVID-19 ang Makati Health Department (MHD) sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, tumaas ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa naturang sakit, kung saan umabot na ito sa 9,459.

Umabot naman sa 375 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod matapos itong madagdagan ng isa kagabi.


Habang nabawasan ng 20 ang active cases sa lungsod, kaya nasa 290 nalang ito ngayon.

Sa kabuuan, ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati ay 10,124.

Facebook Comments