Umakyat na sa 1,654 ang kabuuang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Mandaluyong ngayong umaga.
Ito’y matapos madagdagan ng 30 bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.
Ang mga bagong pasyenteng infected ng virus ay mula sa Barangay ng Addition Hills, Bagong Silangan, Barangka Drive, Barangka Ibaba, Barangka Ilaya, at Buayang Bato.
May mga bagong kaso rin sa mga barangay ng Burol, Hagdang Bato Itaas, Hagdang Bato Libis, Highway Hills, Hulo, Mabini J. Rizal, Namayan, Old Zaniga, Pleasant Hills, San Jose, at Vergara.
Dahil din sa bagong naitalang kaso ng COVID-19, tumaas din ang bilang ng mga active case mula sa 660 kahapon, ngayon ito ay nasa 689 na.
Ito ay dahil din sa nananatili sa 82 ang kabuuang bilang ng mga nasawi at 883 naman ang mga gumaling na sa sakit na dulot ng virus.
Mataas pa rin ang kabuuang bilang ng suspected sa lungsod na nasa magihit isang libo, pero nasa 268 lang ang bilang ng probable cases sa lungsod.