Pokwang, nakilala ang tunay na kaibigan dahil sa pandemya 

57

Isang makahulugang message ang ibinahagi ng comedian na si Pokwang sa kaniyang followers. 

Ito ay tungkol sa pagkakaibigan sa panahon ng COVID-19 pandemic. 

Sa kaniyang post sa Twitter, sinabi ni Pokwang na nagpapasalamat ito sa isang banda sa pandemic dahil dito ay nalaman niya at nakilala kung sino talaga ang kaniyang tunay na kaibigan. 

Say ni Pokwang, bukod sa pamilya ay nagpasalamat siya kay papa God dahil lumabas ang tunay na kulay ng mga taong nakapalibot sa kaniya at nalaman ang tunay na mga kaibigan. 

Bukod dito, wala nang ipinost si Pokwang sa kung sino ang kaniyang tinutukoy. 

Sa ngayon, freelancer ang 50-year-old comedian-tv host. 

Facebook Comments