Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig, muling nadagdagan

Muling nakapagtala ang lungsod ng Taguig ng 27 bagong confirmed cases ng Coronavirus Disease o COVID-19 kahapon.

Batay sa tala ng Local Health Department ng lungsod, ang 12 mga bagong kaso ay mula sa Barangay Lower Bicutan, na pinakamaraming naitala kahapon.

Sinundan ito ng Barangay New Lower Bicutan na may siyam at tig-dalawa sa Barangay Hagonoy at Tuktukan.


Habang ang Barangay Ligid-Tipas at Wawa ay mayroong tig-isang bagong kaso ng COVID-19.

Dahil dito, muling tumaas ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa Taguig na umabot na ng 1,756.

Mula sa nasabing bilang, 1,581 sa kanila ay mga gumaling na sa sakit na dulot ng virus, habang ang 24 naman ay mga nasawi.

Kaya naman ang mga active cases sa lungsod ay nasa 151 na lamang.

Facebook Comments