Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig, umabot na sa mahigit 10,300

Muling nakapagtala ng 50 bilang ng bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Taguig sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay batay sa pinakabagong tala ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU).

Kaya naman ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod ngayong umaga ay pumalo na sa 10,363.


Mula sa nasabing bilang, 10,144 dito ay bilang ng recoveries, matapos magkaroon naman ng 43 bagong mga gumaling na sa naturang sakit.

Nananatili naman sa 150 ang bilang ng mga nasawi na dulot ng virus.

Nasa 69 naman ay bilang ng mga active case sa lungsod na patuloy nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod.

Facebook Comments