Umabot na sa 8,289 ang kabuuang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Taguig matapos madagdagan ng 32 na bagong kaso sa loob ng 24 oras.
Mula sa nasabing bilang, 8,098 na ang mga gumaling na mula sa naturang sakit habang 60 naman ang mga nasawi.
Dahil dito, 131 naman ang bilang ng active case sa Taguig na patuloy mino-monitor at naka-confined sa local quarantine facility.
Batay sa Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit, ang kanilang lungsod ang may pinakamababang numero ng active cases sa buong National Capital Region (NCR) dahil sa bawat 100,000 katao ay nasa 16 lang ang bilang ng active cases.
Facebook Comments