Umabot na sa 2,566 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa lungsod ng Taguig ngayong araw.
Ito’y matapos makapagtala ang Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit ng karagdagang 19 na bagong mga kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.
Ang mga bagong kaso ay mula sa Brgy. Ususan na may anim; tatlo sa barangay ng Upper Bicutan at tig-dalawa sa Brgy. Fort Bonifacio, South Daang Hari at New Lower Bicutan.
Habang ang Barangay Bambang, Lower Bicutan, Palingon-Tipas at Tuktukan na may tig-isang bagong kaso ng COVID-19.
Tumaas din ang kabuuang bilang ng recoveries sa lungsod na aabot na sa 2,153, matapos madagdagan ito kahapon ng 124.
Nananatili sa 38 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod ng dahil sa virus.
Aabot naman ng 375 ang active cases sa naturang lungsod.