Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Taguig City, pumalo na sa mahigit 4,200

25

Umabot na sa 4,234 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa lungsod ng Taguig ngayong umaga.

Ito’y matapos madagdagan ng 88 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 kagabi.


Ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa Brgy. Central Bicutan (14), Lower Bicutan (13), at Western Bicutan (12).

May mga bagong kaso rin sa Brgy. Central Signal (8), South Daang Hari (7), at tig-anim sa Brgy. Ibayo-Tipas, Ususan at Tanyag.

Lima sa Brgy. North Daang Hari, tig-tatlo sa Ligid-Tipas, Pinagsama, at tig-dalawa sa New Lower Bicutan, South Signal, at Upper Bicutan.

Nasa 506 naman ang bilang ng active cases sa lungsod habang 42 ang nasawi at 3,686 ang recoveries.



Facebook Comments