Isang empleyado ng School Division Office ng Pasig City, nagpositibo sa COVID-19; Opisina, ini-lockdown

39

Isinailalim sa lockdown ang Schools Division Office ng Pasig City simula ngayon araw, Agosto 26, 2020, hanggang Biyernes, Agosto 28, matapos na isang empleyado nito ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Schools Division Superintendent Evalou Agustin ng Department of Education (DepEd-Pasig), inakala ng lalaking empleyado na ligtas na siyang lumabas dahil mabuti naman ang kanyang pakiramdam.


Ipinahamak ng naturang empelyado ang kanyang mga kasamahan dahil pumasok ito na mayroon pa lang COVID-19.

Dagdag pa ni Agustin na agad nilang ini-report sa Pasig City Health Office ang nasabing empleyado at maging sa Pasig City Police para bantayan at manmanan ang mga kilos nito.

Hinikayat ng opisyal ang lahat ng mga unit heads at mga hepe ng iba’t ibang departamento na maging mapagbantay at ipaunawa sa mga nasasakupan nila ang pinapairal nilang office protocols at health standards nang hindi na maulit ang nangyari na isang empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments