Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Taguig City, pumalo na sa mahigit 7,800

35

Sumampa na sa 7,874 ang kabuuang bilang ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa lungsod ng Taguig, matapos itong madagdagan ng 53 sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa nsabing bilang, 7,366 nito ay mga gumaling na sa sakit at ang 59 naman ay bilang ng mga nasawi sa lungsod na dulot sa virus.

Ang active cases ngayon sa lungsod ay nasa 422.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, na ang mga bagong naitalang kaso ay dahil sa epektibong active case finding ng mga close contacts ng mga naiulat na confirmed cases kamakailan.

Sa pamamagitan nito aniya ay agad na natutukoy ang mga kaso ng COVID-19 at agad ilalagay sa ilalim ng testing at quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa lungsod.

Facebook Comments