Halos 400 indibidwal, arestado sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa Navotas City

35

Aabot sa 399 ang naaresto ng Navotas City Police-Task Force Disiplina sa loob lamang ng dalawang araw dahil sa iba’t ibang paglabag sa ordinansa kabilang na ang safety measures para sa COVID-19.

Pinakamaraming paglabag ang hindi pagsunod sa curfew na nasa 247 kung saan 161 dito ay matatanda habang 86 naman ay mga kabataan.

Samantala, 144 naman ang naaresto sa hindi pagsusuot ng face masks.

Pinakamarami naman na lumabag sa mga ordinansa ang Bagumbayan North na umabot sa 56.

Ang mga violators ay nahuli mula October 6 hanggang 7.

Facebook Comments