Umabot na sa 1,465 ang kabuuang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Taguig.
Ito’y matapos maitala ang 15 bagong pasyente na positibo sa virus kahapon, July 11, 2020.
Batay sa tala ng Health Department ng lungsod, ang mga bagong kaso ay mula sa Calzada-Tipas, Lower Bicutan, Ususan, Central Bicutan, at Fort Bonifacio.
Mula sa nasabing bilang, 23 na ang nasawi at 479 naman ang mga nakarekober mula sa sakit na dulot ng virus, kaya naman nasa 765 ang bilang ng active cases sa Taguig City na nagpapagaling na sa mga quarantine facility ng lungsod.
Ang Fort Bonifacio pa rin ang may pinakamataas na bilang ng confirmed cases sa lahat ng barangay ng Taguig City, kung saan nasa 414 na ito at sumunod naman ang Lower Bicutan na mayroong 184 confirmed COVID-19 cases.