Magsasaka, Inaresto dahil sa Pag-iingat ng Chainsaw

26

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga otoridad ang isang magsasaka dahil sa pag-iingat nito ng chainsaw sa Brgy. Diarao, Jones, Isabela.

Kinilala ang nahuli na si Loreto Sebastian, 37 taong gulang, may-asawa at residente ng Brgy. Diarao, Jones, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, habang nagpapatrolya ang mga elemnto ng PNP Jones sa naturang lugar ay namataan ang suspek na bumabaybay sa lansangan gamit ang ‘kuliglig’ at may sakay na chainsaw.

Pinatigil ng mga otoridad ang suspek at hiningan ng kaukulang dokumento sa pag-iingat ng chainsaw subalit wala itong maipakita dahilan upang siya ay arestuhin ng mga pulis.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek maging ang chainsaw para sa dokumentasyon at disposisyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9175 o Chainsaw Act ang suspek.




Facebook Comments