Bilang ng kaso ng dengue sa bansa, umakyat sa mahigit 51,000 nitong Hunyo ayon sa DOH

Umabot na sa 51,622 ang naitalang bilang ng kaso ng dengue sa buong bansa simula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Ito ay mas mataas kung ikukumpara sa 32,610 cases na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na pinakamarami sa mga kasong ito ay nagmula sa Region III, VII at IX.


Aniya, nakakaalarma ang datos na ito dahil naaapektuhan nito ang mga kabataan at nagkakaroon ng admission sa mga ospital.

Dahil dito, una nang binuksan ng Department of Health (DOH) ang dengue fast lane sa mga ospital para masiguro na hindi na mag-aantay pa ng matagal ang mga pasyente.

Nakapag-download na aniya sila ng pondo sa kanilang regional offices para dito.

May ugnayan na rin aniya sila sa mga regional offices para ma-mobilize na ang mga dengue brigade sa mga komunidad, paaralan at iba pang sektor para sa 4 o’clock habit.

Facebook Comments