Malacañang, hindi kinukumpirma ang umano’y pagbawi ni Pangulong Marcos Jr., ng pwesto kay Philippine Port Authority General Manager Christopher Pastrana

348

Walang hawak na impormasyon ang Malacañang na nagsasabing binawi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang appointment ni Philippine Ports Authority General Manager Christopher Pastrana.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na wala silang inilalabas na anumang pahayag kaugnay sa balitang ito.

Kaya naman, ayon kay Angeles ay status quo ang isyung ito, kung saan ang ibig sabihin ay si Pastrana pa rin ang naka-pwesto sa PPA.


Una nang lumabas sa isang vlog na di umano binawi ng pangulo ang pagtatalaga nito kay Pastrana sa PPA.

Facebook Comments