Bilang ng kaso ng fireworks-related injuries sa pagsalubong ng Bagong Taon, mas mababa kumpara noong 2020

Inihayag ngayon ng Department of Health (DOH) na mas bumaba ang bilang ng mga tinamaan ng paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon kumpara sa mga nakalipas na taon.

Ayon sa DOH, mas mababa ng 77% ang naitalang bilang sa pagsimula ng taong 2020 at bukod dito, wala rin silang naitalang nasawi.

Base pa sa datos ng DOH, umabot na sa 17 ang naitalang bilang ng fireworks-related injuries sa pagsalubong ng Bagong Taon.


16 dito ang tinamaan ng paputok habang ang isa naman ay nasugatan dahil sa ligaw na bala.

Karamihan sa mga tinamaan ng paputok ay mula sa National Capital Region (NCR) habang may ilan Ring biktima mula sa Region 5 at Region 6.

Ilan naman naitalang sugatan na dinala sa mga pampublikong hospital sa southern part ng Metro Manila ay dahil sa aksidente sa motorsiklo na karamihan sa mga driver ay nakainom ng alak.

Facebook Comments