
Umabot na sa 30 ang naitalang kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) sa Quezon City mula January 1 hanggang 22 ngayong taon.
Batay sa datos ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCEDSU), lahat ng pasyente ay 13 taong gulang pababa, at 19 sa mga kaso ay pawang lalaki.
Samantala, 445 kaso naman ng dengue ang naitala sa lungsod sa parehong panahon. Mas mababa ito ng 57 porsiyento kumpara sa bilang ng dengue cases sa Quezon City noong kaparehong panahon ng 2025.
Ayon sa QCEDSU, mga edad 20 pababa ang pinakaapektado ng dengue.
Pinakamataas ang naitalang kaso sa District 2, na may 169 dengue cases.
Wala naman umanong naitalang nasawi kaugnay ng dengue sa lungsod.
Facebook Comments










