Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng aabot sa 1,178 na kaso ng leptospirosis simula January 1 hanggang July 23.
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, sa naturang bilang ay 156 na ang nasawi dahil sa sakit.
Ayon pa kay Vergeire, mula June 26 hanggang July 23 ay 165 na kaso ng leptospirosis kung saan karamihan dito ay mula sa Metro Manila, Cagayan Valley at Central Luzon.
Kaya patuloy ang pagtutok ng DOH hinggil sa sakit lalo na ngayong tag-ulan kung saan madalas tumama ang sakit.
Nakukuha ang sakit na leptospirosis mula sa ihi ng hayop katulad ng daga at madalas na nakukuha ng tao sa paglusong sa baha habang may sugat.
Facebook Comments