MANILA – Umakyat na sa 33 ang bilang ng kaso ng zika virus sa bansa.Kinumpirma ito ni Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong sampung kaso ng sabing mosquito-borne virus.Base sa record ng DOH – sa region 6 o western Visayas ang may pinakamataas na rekord ng zika sa buong Pilipinas na sinundan ng National Capital Region (NCR), CALABARZON, at central Visayas.Labindalawa rito ay naitala sa Iloilo; apat sa Bacoor, Cavite; tatlo sa Mandaluyong; tatlo sa Calamba, Laguna; dalawa sa Antipolo, Rizal; dalawa sa Las Piñas; dalawa sa Muntinlupa habang tig-iisa naman sa Cebu, Quezon City, Makati, Caloocan at Maynila.Kaugnay nito, minomonitor ng DOH ang kanilang mga regional offices katuwang ang mga Local Government Units (LGUs) at ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM).Patuloy rin ang pag-aabiso ng ahensya sa publiko na sundin ang 4S strategy ng DOH- (1) Search and destroy the possible breeding place of aedes aegypti, (2) Seek early consultation, (3) Self-protective measures at (4) Say no to indiscriminate fogging.
Bilang Ng Kaso Ng Zika Virus Sa Bansa, Umakyat Na
Facebook Comments