Bilang ng kaso sa Mandaluyong City, tumaas

34

Pumalo na sa 1,119 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong.

Ito’y matapos madagdagan ng labing-isang (11) mga bagong kaso kahapon.


Mula sa nasabing bilang, 70 rito ay mga nasawi at 761 naman ang mga gumaling na, kaya naman nasa 288 na ang active cases sa lungsod.

Ang bilang ng suspected cases ng COVID-19 ay nasa 691 at 167 naman ang probable cases.

Ang Barangay Addition Hills pa rin ang may pinakamaraming bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa lahat ng barangay ng lungsod, kung saan mayroon itong 249.

Sinundan naman ito ng Barangay Mauway na meron 113 confirmed cases ng COVID-19.

Facebook Comments