Lalaki, Timbog sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

51

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad bandang 2:40 ng hapon kahapon sa New Public Market, Baligatan, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Rodolfo Cabanos Jr., 39-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Centro San Antonio, City of Ilagan, Isabela.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) pakete ng naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, P1000 na buy-bust money at dalawang cellphone maging ang sasakyan na kanyang gamit.


Nabatid na ikalimang (5) beses na ng suspek na nahuli sa parehong kaso na sangkot sa iligal na droga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments