Pumalo na sa mahigit 50.26 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala ng Johns Hopkins University and Medicine, nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may higit 9.9 milyong kaso.
Sumunod naman rito ang India na may higit 8.5 milyong kaso at Brazil na may mahigit 5.6 milyong kaso.
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa higit 1.2 milyong kaso ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Habang higit 35.5 milyon ang mga nakarekober sa nasabing sakit.
Facebook Comments