Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Taguig City, umabot na higit 8,700

40

Muling nakapagtala ng 24 na bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Taguig.

Dahilan para sumampa sa 8,768 ang kabuoang bilang nito batay sa tala ng health department ng lungsod.


Mula sa nasabing bilang, 8,638 ang mga gumaling mula sa naturang sakit matapos madagdagan ng 19 na bagong kaso.

Nasa 63 naman ang nasawi.

Ang natitirang 67 ay ang mga active cases ng COVID-19 sa lungsod na patuloy mino-monitor ng mga kawani ng health department nito.

Umaasa naman ng lokal na pamahalaan ng Taguig na mas bababa pa ang bilang ng active case nito at wala ng magpopositibo sa COVID-19.




Facebook Comments