Bilang ng kumpirmadong kaso ng Monkeypox sa buong mundo, pumalo na sa mahigit 5,300

Kinumpirma ng World Health Organization na umabot na sa 5,322 ang laboratory-confirmed cases ng Monkeypox sa 53 bansa.

Base ito sa datos na nakalap mula Enero hanggang Hunyo 30 kung saan tumaas ito ng 56 percent sa loob lamang ng walong araw mula sa naitalang 3,413 cases noong June 22.

Sa naturang bilang, 85 percent dito ay naitala sa Europa na sinasabing episentro ng Monkeypox outbreak.


Kaugnay nito, wala pang itinatakdang petsa ang emergency committee ng WHO upang magsagawa ng ikalawang pagpupulong kaugnay sa nararanasang outbreak.

Mababatid na hindi pa inirerekomenda ng organisasyon na ideklara ito bilang Public Health Emergency of International Concern na siyang pinakamataas na alarma ng WHO.

Ilan sa mga paunang sintomas ng Monkeypox ay lagnat, namamagang lymph nodes at mala-chickenpox na rashes.

Facebook Comments