BILANG NG LGUS NA NAGPATUPAD NG PAGSASARA NG SEMENTERYO SA UNDAS SA PANGASINAN, NADAGDAGAN

Nadagdagan pa ang bilang ng mga lokal na pamahalaan sa Pangasinan ang nagpatupad ng pagsasara ng pampubliko at pribadong sementeryo sa Undas.

Sa inilabas na Executive Order No. 50 ng Manaoag, isasara ang mga sementeryo dito sa ika-28 ng Oktubre hanggang ika-4 ng Nobyembre upang maiwasan ang kumpulan ng tao na maaaring magdulot ng pagkalat ng COVID-19.

Magpapatuloy naman ang burial at cremation activities sa nasabing araw ngunit limitado lamang sa immediate family.


Sa mga bibisita naman bago ang pagsasara at pagbubukas ng sementeryo, tanging 30% lamang ang papayagang makapasok sa naturang venue bilang pag obserba sa minimum public health protocols.

Inilabas din ng lokal na pamahalaan ang schedule ng kada barangay sa pagbisita sa mga sementeryo maging sa ibang kalapit bayan ng Manaoag.

Matatandaan na una ng nagdeklara ng pagsasara ng sementeryo sa undas ang bayan ng Villasis, Binmaley at lungsod ng Dagupan.

Facebook Comments