Bilang ng lumabag sa ECQ, halos 100K na ayon sa PNP

Umabot na sa halos 100,000 ang lumabag sa Enchanced Community Quarantine (ECQ). Batay ito sa huling taya ng Philippine National Police (PNP) ngayong Biyernes.

Ayon kay PNP Deputy Director for Operations at JTF COVID Shield Commander Police Lieutentant General Guillermo Eleazar, pumalo na sa 99,326 ang lumabag simula nang ipinatupad ang ECQ noong March 17.

Batay sa datos, 58, 051 ang lumabag na galing sa Luzon; 19, 124 ang sa Visayas; at 23, 151 sa Mindanao kung saan karamihan dito ay napagsabihan lamang ng kapulisan.


Kaugnay nito, umabot na rin sa halos 8,000 ang nahuli nilang sasakyan sa ipinapatupad na mass transportation ban kaugnay ng ECQ.

Matatandaan na pinalawig ang ECQ sa buong Luzon hanggang April 30, 2020.

Facebook Comments