Cauayan City, Isabela- Balik Eskwela na ang mahigit 6,250 libong mag aaral ng Cauayan City National High School ngayong araw.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. John Mina, School Principal ng nasabing Paaralan, kanyang sinabi na dumoble ang mga enrolees kumpara sa nagdaang taon ngunit sapat anya ang mga pasilidad para sa mga ito.
Dagdag pa ni Ginoong Mina na batay sa kanilang talaan, may mga late enrolees pang mag aaral ngayong araw kung kaya’t binibigyan pa rin ng kaukulang atensyon ang mga ito.
Anya, isa sa mga dahilan kung bakit dumami ang bilang ng mga mag aaral ngayong taon ay dahil maraming kabataan mula sa karatig bayan gaya Angadanan at San Mariano, Isabela ang mas piniling mag aral sa nasabing paaralan dahil kumpleto anya ang mga strand na kukunin nila dito.
Sa ngayon, ay mahigpit paring ipinapatupad ang “No Collection Policy” sa nasabing paaralan bilang pagtalima sa kautusan ng Department of Education.