Bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng cash, bumaba ayon sa pag-aaral

Tinatayang lima na lamang sa kada 10 Pilipino ang gumagamit ng cash sa bansa bunsod ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Batay sa ginawang pag-aaral ng Visa’s Consumer Payment Attitudes, tumaas ng halos 66% ang bilang ng mga Pilipinong pumipili sa contactless payments o digital payments.

Indikasyon din ito, anila, na mayorya sa mga Pilipino ang naniniwalang mas ligtas ang paggamit ng contactless payments mula sa pagkakahawa sa COVID-19.


Facebook Comments