Tanzanian President John Magufuli, pumanaw na sa edad na 61

Pumanaw na sa edad na 61 ang presidente ng Tanzania na si John Magufuli.

Ayon kay Tanzanian Vice President Samia Hassan, komplikasyon sa puso ang ikinamatay ng kanilang presidente.

Itinanggi rin ni Hassan na COVID-19 ang sanhi ng pagkamatay nito at sinabing ginagawa lamang ito ng oposisyon para magalit ang tao sa yumaong presidente.


Sa ngayon, si Hassan ang acting president at inaasahang halili sa posisyon ni Magufuli.

Facebook Comments