Bilang ng may COVID-19 sa Cauayan City, Halos 200 pa

Cauayan City, Isabela- Umaabot pa rin sa halos 200 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.

Sa pinakahuling datos ng Cauayan City health Office, mayroon pang 186 na bilang ng mga may COVID-19 sa Lungsod kabilang na ang 46 na panibagong kaso.

Bukod dito, mayroon namang 11 na pasyente ang naidagdag sa bilang ng mga gumaling at isang nasawi.


Mula sa 65 barangays na sakop ng Cauayan City, pinakamaraming aktibong kaso ngayon ang San Fermin na may 28, sumunod ang Cabaruan na may 24 at District 1 na may 21 active cases.

Nananatili naman sa General Community Quarantine (GCQ) ang status ng Lungsod na nagsimula noong October 15 at magtatagal hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Facebook Comments