Cauayan City, Isabela- Nadagdagan ng 137 na panibagong impeksyon sa COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.
Sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Biyernes, August 20, 2021, nakapagtala ang probinsya ng 137 new COVID-19 cases, 97 na bagong gumaling at limang (5) karagdagang namatay sa nasabing virus.
Bahagya namang tumaas sa 1,384 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya sa kabila ng mga naitalang nakarekober.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 30,753 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isabela kung saan ang 28, 430 na sa mga ito ay gumaling habang ang 939 ay binawian na ng buhay.
Batay sa breakdown ng total active cases sa probinsya, nangunguna pa rin sa may pinakamaraming aktibong kaso ang Cauayan City na may 179; sumunod ang City of Ilagan na may 97 at pangatlo ang bayan ng Tumauini na may 81 active cases.