Batay sa pinakahuling datos ng Isabela Provincial Information Office as of January 19, 2022, nakapagtala ang probinsya ng 293 na panibagong kaso ng COVID-19; 114 na bagong gumaling at lima (5) na nasawi.
Tumaas naman ngayon sa 2,346 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 63,593 ang total cumulative cases ng COVID-19 sa probinsya kung saan 59,132 rito ang nakarekober at 2,115 naman ang namatay.
Mula sa kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa Isabela, nangunguna ang Santiago City sa may pinakamaraming active cases na pumapalo sa 577, pumapangalawa ang Cauayan City na may 252 at pangatlo ang City of Ilagan na may 143.
Tanging ang bayan na lamang ng Divilacan ang nananatiling COVID-19 free sa buong probinsya ng Isabela.